Urban Poor Ministry

Diocese of Kalookan, Kalookan City, Metro Manila, Philippines

Monday, August 28, 2006

Demolitions 3


ISYU:
Santa Quiteria sa Baesa Kalookan-300 pamilya ang naapektuhan ng demolisyon. Court of Order din ito talo rin sa kaso kaya pina demolish ng may ari ng lupa hindi kinikilala ng sheriff at ng mga pulis ang tamang proseso na ayon sa batas. R-A 7279 at walang relokasyon.

SULIRANIN:
Nahati ang samahan sa dalawa, 35 lamang ang nakakuha ng financial assistance sa PCUP

GINAWA:
Meeting sa parokya kasama ang mga apektado
Request financial assistance in PCUP
Dialogue sa UPAO Kalookan
Orientation sa UDHA

RESULTA:
Nakalipat sila sa maayos na relokasyon sa Kalookan at nabigyan ng financial assistance sa PCUP na P 4,000 kada pamilya para sa down payment ng lupa

Pamasawata C3 Kalookan-25 pamilya na nademolish dahil sa proyekto ng DPWH na flood control at ang alok nilang relokasyon ay sa towerville sa Bulacan

Hindi naniniwala na may demolisyon

Pamunuan ang makikipag-usap sa DPWH at NHA

Harang sa demolisyon
Dialogue sa UPAO Kalookan
Dialogue kay Percival Chavez ng PCUP

Nademolish pa rin sila mahina ang loob sa pagpapahayag sa kanilang karapatan.

Demolitions 2


ISYU:
Marcelo NBBS Navotas Б─⌠ 700 pamilya ang maapektuhan ng Road Widening project ng DPWH, walang relokasyon at financial assistance ang kanilang alok na P15,000 at walang maayos na konsultasyon sa mga apektado

SULIRANIN:
Hindi nagkakaisa ang mga apektado dahil sa mga sumusunod:

May NGOБ─≥s na nakaka impluwensya sa samahan
Hindi makapagdesisyon ng maayos ang pamunuan
Gusto nila in-city relocation walang suporta galling kay Mayor Toby

GINAWA:
Dialogue with Dir. Gatan (DPWH), Mayor Toby Tiangco at Congressman Sandoval.
Organisa ng Samahan
Orientation sa UDHA
Street Mass ni Fr. Allan Lopez

RESULTA:
Naantala ang kanilang demolisyon at nagkaroon ng maayos na pakikipagusap ang mga ahensya ng gobyerno sa mga apektado

ISYU:
Demolisyon sa Lourdes Market Tenant Association sa Malabon Б─⌠ 750 pamilya ang naapektuhan sa demolisyon. Ito ay private lot at natalo sila sa kaso kaya pina demolish ng may ari ng lupa at walang
relokasyon

Hindi maayos na pamunuan ng samahan dahil sa pangulo mismo ng samahan ay may pansariling interes.

GINAWA:
б╥ Nag request ng financial assistance sa PCUP organisa sa mga apektado
б╥ Dialogue with Bishop Bacani
б╥ Orientation sa UDHA

RESULTA:
Nakakuha ng financial assistance sa PCUP na P75,000 para sa livelihood nila

Tinanggap ng Bacani Foundation
Nanatili pa rin sila sa tabing ilog at kalsada

ISYU:
Gabriela Letre Malabon 90 pamilya ang naapektuhan ng demolisyon, private lot at natalo sa kaso ang mga tao kaya pina demolish sila ng may ari hinarass ang mga apektado ng sheriff at sapilitan na inilabas ng mga pulis ang mga tao sa kanilang bahay o pinapadlock kasama ang mga gamit nila. May mga nasaktan at nasugatan na mga apektado.

Tumayo sa tabing kalsada Minamadali na sila ni Mayor Oreta sa Malabon na alisin sa kalsada

GINAWA:
Dialogue with Mayor Oreta at Percival Chavez sa PCUP
Naghanap ng relocation site na in-city

RESULTA:
Nakakuha ng financial assistance sa PCUP na
P 7,00 bawat pamilya may target na in-city relocation. Tanza Navotas 3

ISYU:
Asague Extension sa Malabon. May 1500 na pamilya hinarass ng demolisyon ng sheriff at mga pulis court order din talo ang ilang pamilya na lumaban sa kaso ngunit gusto ng mga naghahabol ng lupa na lahatan ang pagpapaalis sa mga tao kahit hindi lumaban sa kaso.

Hindi pa sila handa na umalis sa kinatitirikan nila at umaasa na mananalo sa kaso.

Wala pa silang plano na paghahanda para sa kanilang permanenteng tirahan

Strateheya-Paano mapapahinto ang demolisyon?

GINAWA:
File ng TRo
Mobilization sa munisipyo
Organisa sa mga apektado
Orientasyon sa kanilang karapatan
Nahinto ang demolisyon at sinuspende ng huwes ang order for demolition.

RESULTA:

Accomplishments: Issues of Demolitions

ISYU:
7TH Street sa Kalookan
last September 2004
Б─⌠ 35 pamilya ang
apektado ng
demolisyon ang nag
demolish ay MMDA
walang relokasyon at
hindi sinunod ang
proseso ng UDHA.

Nagsariling baklas ng mga tao dahil sa takot

Hinarang ang MMDA at pinaliwanag ang karapatan ng mga apektado

GINAWA:
Kinausap ang UPAO Kalookan at Mayor Echiverri
Pinababa sa area si P. Chavez chairman ng PCUP
Bumaba sa area si Fr. Allan Lopez
Suporta ang parish priest at PPC kawan Leaders.

RESULTA:
Ang karamihan nanatili pa rin sila sa area ang iba naman ay kumuha ng in-city relocation sa Bagongbong Kalookan


UPM & SANAGMANA TECHNICALL PARTNERS
- Technical Assistance Organization (TAO)
- Planning Resources Operating System (PROS)
- AMH Б─⌠ Philippines
- SEASTEM

UPM & SANAGMANA SUPPORTERS
- Mr. Rafaelito Chavez of Fil-Oil
- Mr. Percival Chavez of PCUP
- LGu of Navotas

Ang proyektong ito ay isang pamamaraan upang matulungan ang mga maralita sa Diocese ng Kalookan sa usapin ng kasiguraduhan ng paninirahan dahil ditto mayroon pang pamilya na nademolish sa Navotas na umaasa rin na matulungan sa ganitong pamamaraan ng UPM

Erlinda M. Arranchado
UPM Diocesan Coordinator

Mariano M. de Vera
UPM Diocesan Coordinator

REV. FR. ALLAN V. LOPEZ, OP
UPM Diocesan Priest-In-Charge

Urban Poor Ministry

Urban Poor Ministry


URBAN POOR MINISTRY / SANAGMANA


Alternative in-city Relocation sa Barangay Tanza Navotas na may sukat na 1 hektarya sa halagang P700 per sq. meter at ang kabuuang halaga ay P 7 000,000 (seven million)


Proseso sa 1 hectare:

179 pamilya ang beneficiaries na mula sa Malabon at Navotas may down payment bawat pamilya na P 5600 na ang kabuuang halaga ay P1M at ang natitiran balance na P 5 000 000 (five million) ay huhulugan nila sa loob ng limang taon na may interes na 6% Diminishing balance. Ang may ari ng lupa ay si Mr. Mario Sioche.

Buwan ng February taong kasalukuyan nagkaroon ng MOA signing

Buwan ng March taong kasalukuyan nagkaroon ng survey

March 20, 2006 nagkaroon ng site blessing with Bishop Deogracias Iц╠eguez.

First week of April 2006 lilipat na ang mga beneficiaries sa site.

Urban Poor Ministry

Urban Poor Ministry

Urban Poor Ministry of the Diocese of Kalookan

Peace! This will be the official blog of the Urban Poor Ministry of the Diocese of Kalookan. We will be posting issues and concerns that UPM ministers and collaborators address on a regular basis. Some posts will be done in Filipino as reported by our collaborators. We hope though to translate these posts in English for worldwide readership.