Urban Poor Ministry

Diocese of Kalookan, Kalookan City, Metro Manila, Philippines

Monday, August 28, 2006

Demolitions 2


ISYU:
Marcelo NBBS Navotas Б─⌠ 700 pamilya ang maapektuhan ng Road Widening project ng DPWH, walang relokasyon at financial assistance ang kanilang alok na P15,000 at walang maayos na konsultasyon sa mga apektado

SULIRANIN:
Hindi nagkakaisa ang mga apektado dahil sa mga sumusunod:

May NGOБ─≥s na nakaka impluwensya sa samahan
Hindi makapagdesisyon ng maayos ang pamunuan
Gusto nila in-city relocation walang suporta galling kay Mayor Toby

GINAWA:
Dialogue with Dir. Gatan (DPWH), Mayor Toby Tiangco at Congressman Sandoval.
Organisa ng Samahan
Orientation sa UDHA
Street Mass ni Fr. Allan Lopez

RESULTA:
Naantala ang kanilang demolisyon at nagkaroon ng maayos na pakikipagusap ang mga ahensya ng gobyerno sa mga apektado

ISYU:
Demolisyon sa Lourdes Market Tenant Association sa Malabon Б─⌠ 750 pamilya ang naapektuhan sa demolisyon. Ito ay private lot at natalo sila sa kaso kaya pina demolish ng may ari ng lupa at walang
relokasyon

Hindi maayos na pamunuan ng samahan dahil sa pangulo mismo ng samahan ay may pansariling interes.

GINAWA:
б╥ Nag request ng financial assistance sa PCUP organisa sa mga apektado
б╥ Dialogue with Bishop Bacani
б╥ Orientation sa UDHA

RESULTA:
Nakakuha ng financial assistance sa PCUP na P75,000 para sa livelihood nila

Tinanggap ng Bacani Foundation
Nanatili pa rin sila sa tabing ilog at kalsada

ISYU:
Gabriela Letre Malabon 90 pamilya ang naapektuhan ng demolisyon, private lot at natalo sa kaso ang mga tao kaya pina demolish sila ng may ari hinarass ang mga apektado ng sheriff at sapilitan na inilabas ng mga pulis ang mga tao sa kanilang bahay o pinapadlock kasama ang mga gamit nila. May mga nasaktan at nasugatan na mga apektado.

Tumayo sa tabing kalsada Minamadali na sila ni Mayor Oreta sa Malabon na alisin sa kalsada

GINAWA:
Dialogue with Mayor Oreta at Percival Chavez sa PCUP
Naghanap ng relocation site na in-city

RESULTA:
Nakakuha ng financial assistance sa PCUP na
P 7,00 bawat pamilya may target na in-city relocation. Tanza Navotas 3

ISYU:
Asague Extension sa Malabon. May 1500 na pamilya hinarass ng demolisyon ng sheriff at mga pulis court order din talo ang ilang pamilya na lumaban sa kaso ngunit gusto ng mga naghahabol ng lupa na lahatan ang pagpapaalis sa mga tao kahit hindi lumaban sa kaso.

Hindi pa sila handa na umalis sa kinatitirikan nila at umaasa na mananalo sa kaso.

Wala pa silang plano na paghahanda para sa kanilang permanenteng tirahan

Strateheya-Paano mapapahinto ang demolisyon?

GINAWA:
File ng TRo
Mobilization sa munisipyo
Organisa sa mga apektado
Orientasyon sa kanilang karapatan
Nahinto ang demolisyon at sinuspende ng huwes ang order for demolition.

RESULTA:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home